DQ ng Rosal couple kinondena
LEGAZPI CITY, Philippines — Isang malaking prayer rally ang inilunsad ng Simbahang Katolika sa Albay nitong Sabado bilang pagsuporta kina Governor Noel Rosal at misis nitong si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal kasunod ng ibinabang disqualification ng Commission on Elections’ First at Second Division laban sa mag-asawa.
Nanguna sa peaceful rally na tinawag na “Dasal para kay Rosal” si Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi (Albay) sa harap ng Albay Capitol Building at kinondena ang disqualificiation ng Comelec sa mga Rosal na aniya’y labag sa kagustuhan ng mga tao na bumoto sa kanila nitong nagdaang May 9 elections.
“We all know that the people of Albay had voted for them because they believe in their leadership. And the accusation that they extended help to the poor during the election ban that caused their disqualification would deny them of their mandate as the duly elected leaders of the people,” pahayag ni Baylon.
Sinabi ni Baylon sa harap ng mga dumalo sa rally na siya at mga kapwa pari sa kanilang diocese ay tahasang sumusuporta sa mga Rosal hanggang sa makuha ang hustisya para sa 469,481 Pilipino na bumoto kay Gov. Rosal at asawang alkalde.
Ayon sa 70-anyos na guro na si Rose Ajero na kabilang sa 25,000 dumalo sa rally, mahal nila ang gobernador dahil sa mahusay nitong environment advocacy upang malimita ang quarrying activities sa Albay upang mapigilan ang trahedya na nangyari noong 2006.
“Ayaw na ng mga mamamayan ng Albay na maulit ang matinding kalamidad noong 2006 matapos ang pagtama ng bagyong Reming sa bayan ng Padang kung saan marami ang nasalanta dahil na rin sa illegal quarrying,” giit ni Ajero.
“We are praying for divine intervention from God to reverse that ruling. We cannot allow to lose the people’s governor who really serves us,” pahayag naman ni Tabaco City Councilor Oden Berces ng Unang Distrito.
Base sa report, sina Gov. Rosal at Mayor Rosal ay diniskuwalipika ng Comelec dahil sa umano’y pamamahagi cash assistance sa kabila na may umiiral na election ban ng panahong ‘yon.
Naghain na ang mag-asawang Rosal ng “motion for reconsideration” sa Comelec en banc.