RMN broadcaster na binugbog binigyan ng security escort

“The Iloilo City Police Office has been instructed to provide security to radio block timer Flo Hervias who was a victim of a mauling incident by still unknown assailants in La Paz, Iloilo City,” pahayag ni Azurin sa kaniyang direktiba sa Iloilo City Police.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Phi­lippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. na bigyan ng security escort si RMN radio broadcaster Florencio “Flo “ Hervias matapos siyang kuyugin at bugbugin ng tatlong lalaki sa harapan ng gusali ng nasabing radio station sa lungsod ng Iloilo nitong Biyernes.

“The Iloilo City Police Office has been instructed to provide security to radio block timer Flo Hervias who was a victim of a mauling incident by still unknown assailants  in La Paz, Iloilo City,” pahayag ni Azurin sa kaniyang direktiba sa Iloilo City Police.

Sinabi ni Azurin na gumagawa na ng kaukulang aksiyon ang PNP para resolbahin ang nangyaring pag-atake ng mga suspek na nakasuot ng hoodies kay Hervias habang pasakay ng motorsiklo sa harap ng gusali ng DYRI Radio Mindanao Network (RMN) Iloilo station sa La Paz District dakong alas-11 ng tanghali ng nasabing araw.

Sinabi ni Azurin na nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon sa kaso ang Iloilo Police upang matukoy at maaresto ang mga suspek habang naglunsad na rin ng city-wide dragnet operation kabilang ang random checkpoint.

“Any assault on working journalists is being considered by the PNP as a serious case that deserves prompt and pre­ferential action,” ani Azurin. “We are confident that the investigation of Hervias’ case will yield positive development in due time,” dagdag nito.

Umapela naman sa media si Brig. Gen. Leo Francisco, Director ng Police Regional Office (PRO)6 sa Western Visayas na maging vigilante para sa kanilang kaligtasan at agad na ireport sa pinakamalalpit na police station ang mga kahina-hinala.

Show comments