^

Probinsiya

Kontratista sa Bustos Dam, binigyan ng ultimatum ni Governor Fernando

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

Sa kasong sibil at criminal

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Binigyan ni Gobernador Daniel Fernando ang mga kontratista ng nasirang rubber bladder ng Angat Afterbay Regulation Dam o Bustos Dam ng 10-araw upang aksyunan ang kanyang demand letter o harapin ang kasong sibil at kriminal.

“We must act now. We demand the immediate removal and replacement of all six gates under the contract for Bustos Dam. Kapag hindi, I will not hesitate to file civil and criminal cases sa lahat ng kasangkot sa usaping ito,” ani Fernando sa kanyang privilege speech sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan sa Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Hinamon din niya ang mga miyembro ng SP sa pangunguna ng kanilang Presiding Officer at Bise Gob. Alexis Castro na magsagawa ng imbestigasyon patungkol sa nasabing usapin.

Ito ay matapos na mabigo ang ITP Construction, Inc. at Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co. Ltd. na ayusin ang sirang rubber bladder sa Bay 5 ng Bustos Dam na nangyari isang taon lamang matapos ang rehabilitasyon nito at habang nasa ilalim pa ng warranty ang kontrata.

Sinabi ng gobernador na hindi pinapansin ng mga kontratista ang hindi mabilang na follow-up at demand letter na ipinadala sa kanila ng National Irrigation Administration (NIA) sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Tinawag din ni Fernando ang atensyon ng NIA upang akuin ang responsibilidad sa pagkakaantala ng pagsasaayos ng nasirang rubber gate na maaaring makaapekto sa 15,706 ektaryang taniman ng palay at gulay na may 12,904 magsasaka at tinatayang pinsala na aabot sa P880,964,445 hanggang P2,690,255,147 sa sektor ng agrikultura, at maaaring magkaroon ng masamang epekto sa 80 barangay mula sa dalawang lalawigan na inaasahang kukuha ng libong buhay kung bibigay.

Noong Hunyo 2020, bumigay ang rubber gate sa Bay 5 ng Bustos Dam na hinihinalang dahil sa mababang kalidad ng mga materyales na ginamit ng mga kontratista sa rehabilitasyon ng nasabing dam.

Dagdag pa rito, habang pabor ang gobernador sa mga benepisyo na hatid sa mga magsasaka ng Bulacan sa pamamagitan ng pagtatayo ng Bayabas Dam, hiniling niya sa NIA na makipag-ugnayan sa kanya patungkol sa mga espisipikasyon ng proyekto.

DANIEL FERNANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with