^

Probinsiya

3 timbog sa P2.3 milyong puslit na yosi

Pilipino Star Ngayon
3 timbog sa P2.3 milyong puslit na yosi
Kinilala ni Col. Alexander Lorenzo, Zamboanga City Police Office (ZCPO) director, ang mga nadakip na suspek na sina Arjay Ismael Salim, 35; Jabar Sali Tingkahan, 28; at Asmad Ismael Tingkahan, 43; at lahat ng residente sa bayan ng Maluso, Basilan.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Tatlong kalalakihan ang naaresto matapos makuhanan ng mga puslit na sigarilyo sa magkahiwalay na anti-smuggling operations ng mga otoridad sa Zamboanga City.

Kinilala ni Col. Alexander Lorenzo, Zamboanga City Police Office (ZCPO) director, ang mga nadakip na suspek na sina Arjay Ismael Salim, 35; Jabar Sali Tingkahan, 28; at Asmad Ismael Tingkahan, 43; at lahat ng residente sa bayan ng Maluso, Basilan.

Sa pinagsamang ope­rasyon ng Bureau of Customs (BOC) at ZCPO, nadakip ng mga suspek, alas-5:40 ng hapon malapit sa isla ng Manalipa, ng naturang lungsod.

Nakuha sa mga suspek ang 36 piraso ng mga malalaking kahon na naglalaman ng iba’t ibang klase ng sigarilyo na aabot sa P1.2-M at walang ma­ipakitang kaukulang dokumento ang mga suspek mula sa Jolo, Sulu at ibabagsak sana sa Alicia, Zamboanga Sibugay.

Samantala, alas-5:00 ng umaga nitong Mi­yerkules sa Barangay Ma­asin, Zamboanga City, nakumpiska rin ng mga tauhan ng ZCPO at Phi­lippine Center for Transnational Crime ang 30 malalaking kahon na nag­lalaman ng iba’t ibang uri ng mga puslit na sigaril­yo at aabot sa P1-M.

May kabuuan P2.3-M ang nakumpiskang smuggled na sigarilyo mula sa mga suspek na ngayon sa nasa kustodiya ng BOC sa lungsod.

YOSI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with