^

Probinsiya

Kotse rumagasa: 8-anyos patay, tiyahin malubha

Pilipino Star Ngayon
Kotse rumagasa: 8-anyos patay, tiyahin malubha
Tinangka pang isugod sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Krea Ann Tugano Villamartin, Grade 2 pupil at residente ng Purok-2, Brgy. Tigbinan, Labo, Camarines Norte. Sugatan naman ang kasama niyang tiya na si Lourdes Villagen Tugano, 55-anyos.
STAR/File

LABO, Camarines Norte, Philippines — Nagkalasug-lasog ang murang katawan ng isang 8-anyos na nene habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital ang tiyahin nito matapos silang salpukin ng isang rumaragasang kotse sa Purok-2, Brgy. Tigbinan ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Tinangka pang isugod sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Krea Ann Tugano Villamartin, Grade 2 pupil at residente ng Purok-2, Brgy. Tigbinan, Labo, Camarines Norte. Sugatan naman ang kasama niyang tiya na si Lourdes Villagen Tugano, 55-anyos.

Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon naglalakad ang mga biktima sa tabi ng kalsada sa naturang lugar nang aksidenteng nabangga ng Toyota Vios (NDS-8295) na minamaneho ni Leginald Alvarez Romero, 54-anyos, residente ng Brgy. San Martin, Taguig City.

Mabilis na sinaklolohan at isinugod ang mga walang malay na magtiya sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival ang bata.

vuukle comment

KOTSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with