Bangkay ng bebot na lumutang sa dagat, kilala na

SUBIC, Zambales, Philippines — Natukoy na ang pagkakakilanlan ng isang babae na natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Barangay Nagbayukan sa bayang ito, kamakalawa.

Sa isinagawang im­bestigasyon ng mga otoridad, positibong kinilala ng kanyang mismong ina ang biktima na si Leonissa Araman, 33- anyos at residente ng Barangay Matain, Subic, Zambales.

Huling nakita ang biktima noong Lunes at nalaman lamang ang pagkakatagpo sa katawan nito matapos na kumalat ang balita sa social media.

Ayon sa ina ng biktima, nakakaranas ng depression ang anak nang manganak noong taong 2016 at masawi ang anak.

Lumalabas sa isina­gawang examination na “asphyxia” ang ikinamatay ng biktima dahil sa pagkalunod.

Show comments