No. 1 ‘most wanted’ nalambat sa Laguna

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga aw­toridad ang isang naka­talang number one most wanted person ng Calabarzon matapos ang ope­rasyon sa kanyang hideout sa Biñan City, Laguna nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Laguna police director Col. Randy Glenn Silvio, ang suspek na si Rocky Baculanlan­, 32, ay nadakip sa Barangay Sto. Tomas ng naturang lungsod dakong alas-7:30 ng gabi matapos na makatanggap ang pulisya ng tip mula sa isang concerned citizen sa pinagtataguan nito.

Si Baculanlan na na­­katala bilang most wanted person sa naturang rehi­yon ay may warrant of arrest sa kasong “statutory rape” na walang kaukulang piyansa. Ang arrest warrant laban sa naturang suspek ay inisyu noong Agosto 30 ni Biñan Regional Trial Court Branch 155 Judge Armin Noel Villamonte.

Show comments