^

Probinsiya

Tanod nadaganan ng pinuputol na puno, tepok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaunus-lunos ang sinapit ng isang 36-anyos na barangay tanod matapos madaganan ng pinuputol nitong puno ng niyog sa isang liblib at bulubundu­king lugar ng Macrohon sa Southern Leyte nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Evangel Amper, residente at tanod sa Brgy. Sto Niño, Macrohon, Southern Leyte.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 8, naganap ang insidente ng tanghaling tapat sa Brgy. Sto Niño.

Ayon sa pahayag ng kaniyang pamilya, matapos mananghalian bandang alas-12 ng tanghali ay nagpahinga sandali ang biktima hanggang sa magpaalam na para mamutol ng puno ng niyog.

Habang namumutol na ng puno ang kagawad ay biglang tumama ang naputol nitong puno ng niyog sa kanyang ulo.

Sa tindi ng pagbagsak ng puno, nadaganan ang biktima na bumagsak sa lupa at agad tumirik ang kanyang mga mata.

Nagresponde ang mga kasapi ng Emergency Rescue Department ng Macrohon sa nasabing lugar subalit naabutang patay na ang biktima sanhi ng internal hemorrhage.

TANOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with