^

Probinsiya

P4.1 milyong ismagel na yosi, nasabat sa Zamboanga Peninsula

Roel Pareño - Pilipino Star Ngayon
P4.1 milyong ismagel na yosi, nasabat sa Zamboanga Peninsula
Nabatid na nagpapatrulya ang Police Station 8 nang makita ang nakaparadang Suzuki mini van sa kalsada na sakop ng Barangay Sinunuc dahil sa naplatan ng gulong.
STAR/File

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Nasabat ng mga otoridad ang nasa P4.1 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa magkahiwalay na anti-smuggling operations sa lungsod na ito at isang bayan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Nabatid na nagpapatrulya ang Police Station 8 nang makita ang nakaparadang Suzuki mini van sa kalsada na sakop ng Barangay Sinunuc dahil sa naplatan ng gulong.

Nagbigay ng tulong ang mga pulis para asis­tehan ang driver at helper nito at nang buksan ang van ay nasorpresa ang mga otoridad na nasa 32 karton ng pinaniniwalaang ismagel na yosi.

Inaresto ng mga pulis ang driver na nakilalang si Benhar Gani Tunggal at helper nitong si Aldimar Ismula Idjan, nang mabigo na magprisinta ng doku­­mento sa dala nilang mga sigarilyo na aabot sa P1,120,000 base sa assessment ng Bureau of Customs (BOC).

Samantala, pinahinto ng mga pulis ang isang trak na bumabagtas sa kahabaan ng kalsada na sakop ng Brgy. Baluran, Tungawan, Zamboanga Sibugay matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa BOC intelligence na naglalaman ito ng nasa 85 karton ng sigarilyo na nasa P3 milyon ang halaga noong Martes.

YOSI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with