MARILAO, Bulacan, Philippines — Nabawi ng mga otoridad ang aabot sa P2.7 milyong halaga ng nakaw na kable ng telepono mula sa anim na naarestong lalaki na kamakalawa ng gabi sa Brgy. Saog ng nasabing bayan.
Kinilala ni Acting Bulacan Police director P/Col. Charlie Cabradilla ang nasakoteng mga suspek na sina Mark Christopher Esteron, Daniel Añasco at Raymond Salvador na; pawang taga-Quezon City; Randolfh Orejudos ng Caloocan City; Junfel Bryan Lagrido ng Rodriguez, Rizal, at Joeven Libaoco ng San Jose del Monte City, Bulacan.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi, nagreport ang isang kawani ng Racitelcom, Inc sa tanggapan ng Marilao Police na nawawalan sila ng kable na may habang 350 metro.
Dito nagsagawa agad ng operasyon ang mga otoridad hanggang sa maispatan nila ang mga suspek, hindi kalayuan sa lugar ng pinagnakawan, na dala-dala ang nasabing ninakaw na mga kable.
Agad inaresto ang mga suspek at narekober sa kanila ang kable ng telepono na nagkakahalaga ng P2,272,000.00, 3 unit ng hagdan at isang set ng toolbox.