69 couples nag-‘I do’ sa Kasalang Bayan

DINALUPIHAN, Bataan, Philippines — Nasa 69 magkakapareha ang naghayag ng “I do” sa isinagawang “Kasalang Bayan 2022” , dito ka­makalawa.

Magkakasabay na ikinasal ang 69 na pares at nagsilbing mga “ninong” at “ninang” ang mga lokal na opisyal ng Dinalupihan na pina­ngunahan nina outgoing Mayor at 3rd District Congresswoman-elect Gila Garcia; Mayor-elect Herman Santos; Sangguniang Bayan members at mga Division Heads na pinangunahan ni Administrator Rolly Rojas.

Dumalo rin sa mass wedding ceremonies ang mga opisyal ng Phi­lippine Statistics Autho­rity (PSA).

Ayon kay Mayor Garcia, ito na ang ika-pitong taon na ginaganap ang Kasalang Bayan ilang araw mula sa pagtatapos ng kanyang termino bilang alkalde.

Show comments