MANILA, Philippines — Sinuspinde ang isang paring Katoliko ng Archdiocese of Cagayan de Oro sa kanyang tungkulin bilang pari dahil sa umano’y tangka nitong pagpapakasal habang naglilingkod sa Simbahang Katoliko na isang paglabag sa Canon Law ng Catholic Church.
Sa inilabas na kalatas na pirmado ni Archbishop Jose Cabantan, ay pinapaalam sa publiko na si Fr. Melvin Clapano ay sinuspinde para magsagawa ng pagmisa.
“Please refrain from inviting him and inform your parishioners and disseminate this information that he is prohibited and impeded by law to exercise his priestly ministry since he incurred a latae sententiae suspension by attempting to contract a civil marriage,” wika ni Cabantan.
Ayon pa kay Cabantan na si Clapano ay lumabag ng dalawang probisyon ng Canon Law bukod pa dito na bagamat nais ni Clapano na bumalik sa pagseserbisyo ay hindi maaari dahil sa kanyang suspensyon na ang tanging Vatican lang ang pwedeng magtanggal ng kanyang suspensyon.