^

Probinsiya

Mt. Bulusan muling pumutok, 14 brgy. apektado

Mer Layson, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mt. Bulusan muling pumutok, 14 brgy. apektado
This handout photo taken and released on June 5, 2022 by the Sorsogon Provincial Public Information Office shows ash-covered houses and vegetation in Juban town, Sorsogon province, after Bulusan volcano erupted sending a plume of ash over the area.
Handout / Sorsogon Provincial Public Information Office / AFP

Abo umabot na rin sa Albay

MANILA, Philippines — Muling nakaranas ng pagputok ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo ng madaling araw sanhi upang maapektuhan ang 14 barangay habang umabot na rin ang ibinugang makapal na abo sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang phreatic eruption ay naganap dakong alas-3:37 ng madaling araw at tumagal ng 18 minuto subalit hindi nakuha ang taas at laki ng ibinugang abo dahil sa kapal ng ulap sa paligid ng bulkan.

Sinabi ni Phivolcs Director at Science Undersecretary Renato Solidum Jr. na dahil sa panibagong pagputok, mananatili pa rin ang Alert Level 1 status sa bulkan.

Ani Solidum, ang bulkan ay naglabas din ng plume na umabot ng hanggang isang kilometro ang taas.

Dakong alas-9:00 ng umaga naman nang si­mulan na ng National Di­saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang paglilikas sa mga residente na nakatira mula sa ilang barangay ng Juban na apektado ng pag-aalburoto ng nasabing bulkan.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa pangu­nguna ni Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero, sa inisyal na pagtaya ay 14 na barangay mula sa mga bayan ng Juban, Casiguran at Magallanes ang naapektuhan ng bu­magsak na makapal na abo.

Agad na nagpatupad ng mabilisang evacua­tion­­ ang gobernador kaya daan-daang mga resi­dente ang muling hinakot at dinala sa Juban evacua­tion center­ at gymnasium.

“Medyo scattered po ngayon ang bagsak ng ashfall, hindi lang concentrated sa isang barangay. As of now, buong munisipyo po may traces of ashfall. Pero may mga selected barangays na heavily affected,” paha­yag naman ni Juban, Sorsogon Municipal Di­saster Risk Reduction Management Office (MD­RRMO) Public Information Officer Arian Aguallo Aguallo.

Pagtiyak ni Aguallo, wala pang naiulat na anu­mang adverse events sa pagputok ng Mt. Bulusan.

Agaran namang binomba ng tubig ng mga naka-stand by na fire trucks mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga kalsada para maialis ang bumagsak na makapal na abo sa mga apektadong lugar.

Posible umanong mas malakas ang panga­lawang pagsabog kaha­pon dahil umabot ang ibi­nugang abo sa ilang barangay at bayan sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa residenteng si Jhune Vingo Dexisne ng Tirada News Online at taga-Brgy. Banquerohan sa Legazpi City, Albay, dakong alas-9 ng umaga kahapon ay napansin nila ang bumabagsak na abo sa kanilang paligid na sa kanilang pagtaya ay nanggaling sa Sorsogon dahil sa muling pagputok ng Mt. Bulusan.

Nauna rito, nagsa­gawa ng preemptive eva­cuation sa may 105 na pamilya o 305 indibidu­wal noong Biyernes mula sa Brgy. Puting Sapa sa Juban makaraang magbabala ang Phivolcs na muling sasabog ang bulkan dahil sa pagtaas ng mga inoobserbahang parameters nito.

BULKANG BULUSAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with