HVT timbog sa P.3 milyong droga sa Bacolod City

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge P/Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang suspect na si Jesus Puertas Cordova alyas “Inday”, 26-anyos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang itinuturing na High Value Target (HVT) matapos masamsaman ng mahigit P.3-milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust ope­ration ng awtoridad sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge P/Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang suspect na si Jesus Puertas Cordova alyas “Inday”, 26-anyos.

Bandang alas-12:31 ng umaga nang masakote ng mga elemento ng City Drug Enforcement Unit ng Bacolod City Police ang target na si Inday sa Purok Bayanihan 1, Brgy. Punta Taytay, Bacolod City. Nasamsam sa pag-iingat ang 17 plastic sachet na naglalaman ng 58 gramong shabu at nagkakahalaga ng P394,000.

Nahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act.

“I commend our PRO6 personnel under the leadership of their Regional Director, P/Brig. Gen Flynn Dongbo for continuously intensifying our campaign against illegal drugs in coordination with other agencies and active support of the public,” pahayag ni Danao.

Show comments