^

Probinsiya

75 katao nalason sa galunggong at tahong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
75 katao nalason sa galunggong at tahong
Sa report ng Municipal Health Office sa Office of Civil Defense Region, ang kinain na galunggong at tahong ay binili ng mga residente sa isang vendor.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 75 ka­tao ang naratay dahil sa posibleng food poisoning matapos na kumain ng galunggong at tahong sa Brgy. Inirangan, Bayambang, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Municipal Health Office sa Office of Civil Defense Region, ang kinain na galunggong at tahong ay binili ng mga residente sa isang vendor.

Gayunman, matapos makain ang galunggong at tahong ay nagsimula nang makaranas ng matinding pananakit ng tiyan at ulo, pagsusuka, paninigas ng kalamnan at matinding pagkahilo ang mga tao sa nasabing barangay.

Agad silang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Kasalukuyan namang inaalam kung ang nakain ng mga biktima ay nagtataglay ng red tide toxin.

Sinusuri na rin ng mga health experts ang sample ng nakain ng mga biktima upang mabatid kung alin sa galunggong at tahong na nakain ng mga ito ang posibleng nakalason sa mga biktima.

Nakauwi na sa kani­lang mga tahanan ang ilan sa mga nalasong residente matapos na malapatan ng pangunahing lunas habang ang iba pa ay patuloy na nagpapagaling sa ospital.

GALUNGGONG

TAHONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with