^

Probinsiya

2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Batangas

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines —  Patay ang isang guro at isang Human Resource Manager samantalang sugatan ang isang negos­yante sa magkahiwalay na pamamaril sa lungsod ng Lipa noong Martes.

Kinilala ng Lipa Police ang mga napatay na sina Richard Bon, 36,  guro sa Inosluban-Maraouy National High School, at Lorena Roaring, 36, Human Resource manager ng Nestle Factory.

Sugatan naman ang negosyanteng si George Sagarbarria, 59, residente ng Plantacion Meridienne, Brgy. Cumba, Lipa City.

Ayon sa report, sakay ng motorsiklo si Bon at binabagtas ang kalsada sa Saint Peter Subdivision sa Barangay Tambo nang barilin nang malapitan ng dalawang suspek sakay din ng motorsiklo bandang alas-6:10 ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang kagyat na kamatayan.

Samantala, sakay ng kotse sina Lorena Roaring at George Sagarbarria at nakaparada sa bahagi ng lay-by sa Star Tollway sakop ng Kilometer 78 Southbound sa Brgy. Tibig, Lipa City nang biglang sumulpot ang isang gunman mula sa madamong bahagi ng highway at pinagbabaril ang mga biktima bandang alas-8:30 ng gabi.

Dead-on-the-spot si Roaring dahil sa mga tama ng bala samantalang nasugatan si Sagarbarria mula sa mga bubog ng bintana at windshield ng kotse. Tumakas ang suspek na naglakad lamang patungong Barangay Tibig matapos ang pamamaril. 

HUMAN RESOURCE MANAGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with