Dinadawit sa komunistang grupo. Anakpawis Party-list nominee, inaresto!

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang isang lider magsasaka na nominee ng Anakpawis Party-list dahil sa umano’y pagkakasangkot sa komunistang grupo sa Ba­yombong, Nueva Vizcaya nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang dinakip na si Anakpawis Party-list 4th nominee at Cagayan Valley coordinator na si Isabelo Adviento.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maaresto si Adviento habang kumakain sa isang kilalang fastfood chain sa Bayombong.

Noong Disyembre 2020 ay ni-raid na rin ng PNP operatives ang bahay ni Adviento sa Baggao, Cagayan. Gayunman, pinalaya ito ng korte dahil sa kakula­ngan umano ng matibay na ebidensya.

Umalma naman ang Anakpawis sa pagsasabing biktima ng “red tagging” si Adviento.

Itinanggi rin ni Ad­viento ang alegasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na isa siyang recruiter ng teroristang New People’s Army (NPA).

Patuloy namang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng security forces si Adviento.

Show comments