Motor vs motor: Lady cop todas

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang pulis matapos na sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isa ring motorsiklo,naganap sa Bunawan, Agusan del Sur.

Kinilala ang nasawi na si Police Staff Sergeant Angeline Ong-Alo, 39, residente ng P-Atupan, Nasipit, Agusan del Norte at  nakatalaga  sa Agusan del Norte Provincial Police Office.

Ginagamot naman sa ospital ang   sugatang  si  Gerry Geronda, matapos na magtamo ng mga pasa  at sugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa Bunawan Municipal Police Station, bago nangyari ang aksidente, alas-9:00  ng umaga sa Purok 8, Simulao,Bunawan, Agusan del Sur ay kapwa binabaybay ng dalawang biktima ang kahabaan ng national highway patungong Butuan City   at pagdating sa intersection ay bigla umanong lumiko pakaliwa si Geronda kaya natumbok nito ang nag-o-overtake na si Alo.

Show comments