20K supporters dumagsa sa grand rally ni Almarinez

SAN PEDRO, Laguna, Philippines — Mahigit sa 20,000 supporters ni Dave ­Almarinez, asawa ng aktres na si Ara Mina ang dumalo sa kanyang grand proclamation rally noong linggo para sa kanyang kandidatura bilang Kongresista ng unang distrito sa Laguna.

Maituturing ito na isa sa pinakamalaking pagtitipon ng local political rallies, kung saan tinagurian ito na bagong panahon ng politika na walang tigil sa pagtulong at tumitingin sa kapakanan ng mga taga- San Pedro City.

“Panahon na bumilis at magbago buhay ng mga taga San Pedro, Laguna. Kilala ko ang mukha ng bawat isa sa inyo ngayong gabi. Hinding-hindi ko kayo bibiguin. Hinding-hindi kayo bibiguin ng pamilya Almarinez,” giit pa niya.

Pinuno naman ng mga tagasuporta ni Almarinez ang paligid ng Rosario Evacuation Complex ng puti at berde na nagpapakita ng kanilang puwersa sa pagtutuos sa congressional derby.

Nangako naman si Almarinez na itutuloy ang pagbibigay ng oportunidad para sa kanyang constituents at isusulong din ang health care mo­der-nization sa pamamagitan ng pag i-invest sa equipment, facilities at personnel gayundin naging instrumento din siya sa ibat-ibang proyekto kabilang dito ang pagtatayo ng 10- dialysis facilieits sa siyudad.

Bukod pa rito, nagbigay siya ng 60-free wifi stations sa strategic locations na may high speed internet connections. Si Almarinez ay nagsilbi bilang 3-term board member ng Laguna kung saan siya ang nanguna bilang provincial legislature.

Show comments