‘Gold award’ nasungkit uli ng BOC-Port of Subic
Subic Bay Freeport Zone, Philippines — Muling nasungkit ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Subic sa ilalim ng liderato ni Customs Collector Maritess Martin ang “Gold Award” sa katatapos na Performance Governance System (PGS) Proficiency Stage Revalida makaraang makakuha ito ng gradong 97.90%, kamakalawa.
Matatandaan na una nang nasungkit ng BOC ang gold award sa Initiation at Compliance Stage na kung saan ay muling nakuha nito ang karangalan hanggang sa PGS Proficiency Stage Revalida.
Ang PGS ay isang pamamaraan upang maisakatuparan ang mga reporma tungo sa mas maayos na pamamalakad at epektibong pagbibigay ng serbisyo sa publiko at mga institusyon, ng isang ahensiya ng gobyerno.
Layunin din nito na panatilihin na mas epektibo at maayos ang relasyon ng mga indibiduwal at institusyon o komunidad.
“My heartfelt gratitude to my whole Revalida Team headed by our Senior OSM, Atty. Aileen Amada-Tortoles for all their efforts and support in assisting me in the entire process. This only proves that the Bureau of Customs is not hopeless, but rather committed in this transformation. May we continue this pace and take advantage of this momentum to carry out our mandate as we strive to be a better agency and to provide excellent service to the general public,” ayon kay Martin.
- Latest