7ID Commander nangako ng suporta sa 8ID laban sa insurgency sa Samar

FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija , Philippines — Nangako ng suporta ang commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division ng Phi­lippine Army sa pagsisikap ng 8th Infantry (STORMTROOPERS) Division sa kanilang laban sa insurgency sa lalawigan ng Samar.

Ito ang inihayag ni Phil. Army Major Gen. Andrew Costelo, commander ng 7ID, sa kanyang pagbisita sa Headquarters ng 8ID sa Camp Lukban, Brgy.Maulong, Catbalogan City, Samar, nitong Miyerkules.

Binigyang-diin ni Costelo sa change of command ceremony ng 3rd Infantry Battalion sa Brgy. Erenas, San Jorge, Samar, ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng pinuno nito na si Lt. Col. Isidro Vicente sa 8ID, upang makamit umano ang mga layunin ng misyon nito sa kanyang bagong area of operations (AO).

Matatandaan na sa unang bahagi ng taong ito, inilipat na sa Samar ang tropa ng 3IB sa ilalim ng Operational Control ng 8ID kasunod ng limang taon nilang serbisyo sa mga mamamayan ng Davao Region.

Ang lalawigan ng Samar ay kilala umano bilang pugad ng insurhensiya sa Eastern Visayas at mga insidenteng may kinalaman sa halalan.

Show comments