CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nalambat ng mga awtoridad ang 48 sabungero sa isinagawang pagsalakay sa magkahiwalay na tupadahan sa bayan ng Bay ng lalawigang ito, ayon sa pulisya kahapon.
Sinabi ni Col. Rogarth Campo, director ng Laguna Provincial Police Office, ikinasa ang operasyon kasunod ng mga tinanggap na impormasyon ng pulisya sa ginaganap na illegal na sabong o “tupada” sa Purok 1, Sito Kabaritan, Brgy. Sto. Domingo.
Dahil dito, sinalakay ng mga operatiba ng Provincial Special Operation Unit ang nasabing lugar at naaktuhan na nagtutupada ang 44 na sabungero na kanilang ikinaaresto.
Sa Sta. Rosa City, apat ding katao ang nahuli sa vacant lot ng Progressive Subdivision sa Brgy. Tagapo matapos maaktuhang nagtutupada.
Nakumpiska sa mga naaresto ang apat na buhay na manok na panabong, walong patay na manok, apat na tari, at kabuuang P38,970 bet money.