MANILA, Philippines — Bago ang inaasahang deliberasyon ng isang panukalang batas sa Senado, kinuwestyon ng isang consumer advocacy group sa Davao del Norte ang “authenti-city” ng 90-libong lagda na kinalap ng Northern Davao Electric Cooperative Inc. (NORDECO) mula sa mga tao na sinasabing kumukontra sa pagwawakas ng prangkisa nito.
Ayon kay Ave Rose Castillo, convenor ng DavNor Energy Modernization Movement, sa kanilang natanggap na ulat ay nangongolekta umano ang NORDECO ng mga pirma sa mga tao bilang kapalit upang makapasok sa kanilang mga payment center, at sa kanilang mga aktibidad sa komunidad kapalit ng mga grocery bags at maging ng pera.
“If the signatures are authentic, then NORDECO should present it to the public so that the authenticity could be exa-mined. It must be proven that their position is supported by the majority of its consumers,” giit ni Castillo.
Kinondena rin ni Castillo ang NORDECO sa umano’y hindi pakikinig sa mga reklamo ng mga konsyumer nito sa madalas na brownouts, mahal na singil ng kur-yente, at hindi maayos na serbisyo.
Isa sa mga grupong sumusuporta sa panukalang batas ang DavNor Energy Modernization Movement, na magpapalawak ng franchise area ng Davao Light and Power Co. (Davao Light).
Nananawagan din ang mga grupo ng negosyo para sa isang bagong power provider, kabilang ang Samal Island Chamber of Commerce & Industry Inc., Hugpong Manggama sa Isla, Samal City Resort Owners Association, Samal Island Tourism Council, United Ass’n of Tricycle Operators, Drivers of Samal at Tagum City Chamber of Commerce and Industry Inc. na nagpasa ng sarili nilang mga resolusyon sa usaping ito.
Ipinasa sa ikatlong pagbasa ng Kamara no-ong Enero ang panukalang batas na magpapalawak sa Davao Light’s franchise area at mabawasan ang sa NORDECO habang kasalukuyang naghihin-tay na ng deliberasyon sa nasabing panukala sa Senate chambers.