Totoy naligo sa ilog, nalunod
TIWI, Albay, Philippines — Patay ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog habang lumalangoy kasama ang tatlong kalaro sa Sitio Capantagan, Purok-4, Brgy. Kale, Tiwi sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga.
Tinangka pang isugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Christian Crusada Peñaranda, grade lV pupil at residente ng naturang barangay.
Sa ulat, alas-11:00 ng umaga ay nagkayayaan ang biktima at tatlong kalaro na maligo sa ilog sa kanilang lugar.
Gayunman,nang tumalon sa tubig ang biktima ay mabilis siyang tinangay ng malakas na agos papasok sa ilalim ng culvert ng ilog at hindi na muling lumutang.
Agad humingi nang saklolo ang mga kalaro sa mga residente pero patay na ito nang matagpuan.
- Latest