^

Probinsiya

Lady trader nilooban: Pera, alahas at baril tinangay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nalimas ang pera, mga alahas at personal na baril ng isang negosyanteng babae matapos pasukin ng mga kawatan ang kanyang bahay at ang pinaghihinalaan nito ay ang kanyang dalawang helper sa Bacoor City kamakalawa ng gabi.

Aabot sa mahigit kumulang sa P300,000 ang halaga ng pera, alahas at mga importanteng gamit ang natangay sa biktimang si Renezel Pedraza Arizala, 40-anyos, real state developer at residente Mambog, Bacoor City.

Natangay din ang personal nitong baril na cal. 45 Armscor at ang pinaghihinalaang mga suspek ay ang dalawa nitong helper na magka-live in na sina Charlita Antiporta, 44-anyos, tubong Misamis Occidental at John Alvin Ancheta alias “Jeff”, 22-anyos, tubong ­Isabela, kapwa  stay in worker sa construction site sa Brgy. Bayang Luma 8, Imus City kung saan dito namamahala ang biktima.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang madiskubre ng biktima na nalimas ang kanyang mga pera at alahas nang siya umuwi mula sa kanyang bahay galing sa construction site.

Sa salaysay ng biktima, alas-9:30 ng umaga nang umalis siya ng bahay upang magtungo sa construction site sa isang subdivision sa Imus City.

Alas-10:30 ng gabi na nang siya ay makauwi at laking gulat nito nang makitang bukas na ang kanyang backdoor at nanlumo nang madiskubreng nawawala na ang mahigit P250,000 cash at alahas, mga mahahalagang gamit at ang cal. 45 Armscor nito

Ayon sa biktima, ang kaniyang dalawang helper na sina Artiporta at kinakasama nitong si Ancheta ang pinaghihinalaang suspek hinggil sa ang dalawa umano ang may hawak ng mga susi at access ng kaniyang bahay.

MAMBOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with