^

Probinsiya

Drug den sa Bacoor ni-raid: 6 timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Drug den sa Bacoor ni-raid: 6 timbog
Ang anim na naarestong suspek at mga ebidensyang nakuha sa drug den habang sinisiyasat ng pulisya matapos ang pagsalakay sa Bacoor City, Cavite nitong Martes ng gabi.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines —  Sinalakay ng pinagsanib na pu­wersa ng pulisya ang isang bahay na ginagawa umanong ng drug den kamakalawa ng gabi sa Queensrow West, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina Christian Abad alias “Aba”, 30-anyos­ na target sa buy-bust at residente ng Blk. 16 Lot 8, Queen’s Row East Bacoor City; Maverick Sa­monte, 45-anyos; Jethro Trigueros, 21; construction worker ng Blk. 9 Queensrow West; Vergilio Trigueros Jr., 27, welder ng Blk. 9 Queensrow West; Jomari Guillera, 23; ng Blk. 9 Queensrow West at Sonnyboy Singco, 49, gardener ng Blk. 2, Bagong Silang, Queensrow East, Bacoor City.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Arnold Abad, nagkasa ng joint operation ang PDEA IV-A-Cavite, RSET, Bacoor Police at Cavite Provincial Drug Enforcement Unit laban kay Abad sa tinutuluyan nito hinggil sa mga natanggap na impormasyon ng pulisya na ginagawa umanong drug den ang kanyang bahay.

Alas-6 ng gabi nang ikasa ang operasyon at naaktuhan ng mga operatiba si Abad kasama ang lima pang suspek sa loob ng bahay nito na ang iba nagsasagawa umano ng shabu session.

Narekober sa lugar ang 8-plastic sachet ng shabu na may 15 gramo at nagkakahalaga ng mahigit P100,000, isang aluminum foil strip, 2-alumi­num foil na may improvised needle, 2-nakarolyo na aluminum foil na ginamit bilang tooter, tatlong lighter, isang Cherry mobile phone at P200 na ginamit sa buy-bust.

QUEENSROW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with