BUTUAN CITY , Philippines — Dalawa ang patay habang 15 katao ang sugatan kabilang ang tatlong nasa intensive car unit matapos na magsalpukan ang isang cargo forwarder truck at multicab na puno ng pasahero sa national highway malapit sa boundary ng Buenavista, Agusan del Norte at Butuan City kamakalawa.
The area where the freak road mishap took place was along busy national highway, Purok 8 Barangay Bancasi , BUTUAN CITY.
Ayon sa ulat ng Butuan City Police, ang dalawang nasawi ay nakilalang sina Alegi Ybanez Bawiga, 21, driver ng passenger multicab, residente ng Barangay Matabao, Buenavista, Agusan del Norte, at Irish Salva, 45, ng Barangay Dumalagan, Butuan City at isa sa 15 pasahero ng nasabing multicab.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang Elf Cargo Forwarder (MAG 2724) ay patungong Butuan City habang ang multicab ay sa direksyon papuntang Nasipit, Agusan del Norte nang magbanggaan.
Nabatid na kabilang sa mga malubhang nasugatan at kasalukuyang inoobserbahan sa ospital ang driver ng cargo forwarder na si Glenn Helig Vicente, 42, ng Barangay San Vicente, Butuan City.