^

Probinsiya

Mosque niratrat ng tandem: 2 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang opisyal ng barangay ang malubhang nasugatan habang isa ring dating konsehal ang nadaplisan ng bala matapos ang pag-atake ng dalawang lalaki at mamaril sa loob ng isang mosque habang maraming kapatid na Muslim ang taimtim na nagdarasal sa Cotabato City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Amil Sula, 45-an­yos ng Brgy. Rosary Heights 5, nasabing lungsod. 

Sa inisyal na ulat ng Cotabato City Police, habang nagdarasal ang biktima sa loob ng mosque na matatagpuan sa kahabaan ng Don E. Sero Street dakong alas-7:10 ng gabi nang paulanan ng bala ng nasabing lalaki ang una kung saan nadaplisan din ng bala si Ex-Councilor Abner Ampaun, 39-anyos. 

Bunga ng insidente, bahagya ring nasugatan ang ilang mga nagdarasal na nagpa­nakbuhan palabas sa mosque.

Base sa testimonya ng mga testigo, dalawang lalaki na sakay ng motorbike ang dumating sa lugar kung saan isa ang pumasok sa mosque at namaril.

Ang suspek hindi umano nakilala dahil nakasuot ng face mask at naka-jacket ng may hood saka mabilis na tumakas kasama ang nakaantabay pang lalaki.

vuukle comment

PAMAMARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with