94-anyos natagpuang patay sa condo

CAVITE, Philippines — Isang 94-anyos na lola ang natagpuang duguan habang nakahandusay sa kanyang tinitirhang condominium unit kahapon ng umaga sa bayan ng Alfonso ng lalawigang ito.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima na nakilalang si Bonifacia Gayya Pablo ng Sunrise Holiday Mansion Condominium sa Brgy Buck Estate, Alfonso, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula kay P/Staff Sgt. Boyet Soriano ng Alfonso Police, dakong alas-10:30 nang umaga nang madiskubre ng caregiver na si Elsie La Unor ang biktima habang duguang nakahandusay sa loob ng kanyang condo unit.

Nauna rito, sandal umanong iniwan ni Unor ang inaalagaang lola upang ‘di umanoy i-follow up sa management ng condo ang kanilang water supply. Pero pagbalik umano nito, dito na niya nakitang nakahandusay sa flooring ang biktima at duguan ang ulo.

Agad na humingi ng tulong ang caregiver upang madala sa pagamutan ang biktima, subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.

Hinihinala ng pulisya na posibleng tumayo ang biktima subalit dahil sa katandaan ay hindi nito nakayanan kung kaya natumba at tumama ang ulo sa sahig.

Show comments