MANILA, Philippines — Nasa 200 pamilya at 200 bata ang nabiyayaan sa isinagawang Pamaskong handog ng Rotary Club of Malate Prime (RCMP) sa Samal, Bataan kamakailan.
Pinangunahan ni RCMP Life Changing President Rommel Allan Roxas ang 16 opisyales at miyembro ng club na nagtungo sa Samal, Bataan para sa kanilang programa na may temang “Family Christmas Gift-Giving: We Give, We Share, We Serve to Change Lives”.
Nasa 200 pamilya mula sa Brgy. Imelda ang nabigyan ng “Noche Buena Packages” habang ang 200 na bata ang masayang nakatanggap ng loot bags na naglalaman ng iba’t ibang pagkain. May 100 pares ng tsinelas at 100 t-shirts din ang naipamahagi at nagkaroon pa ng raffle ng limang sako (25 kilo) ng bigas, tatlong desk fan at dalawang rice cooker na lalong nagpasaya sa mga residente.
Naging matagumpay ang proyekto sa pakikiisa nina TP Jimmie Ocampo, GP Lea Botones, WCP Ronilda Relyua, CS Rosana Saren, PE Roland Lim, ICS Daisy Valdez, Rtns. Jackie dela Cruz, Joey dela Cruz, Mirasol Veluya, Capt. Manuel Uy, Elmer Estrella, Henry Monzones, Tohamie Andamun, Marichu Andamun, Donald Reluya, Capt. Calimpong, at iba pang miyembro.
Nagpasalamat din si LCP Roxas sa mga sponsors at donors ng naturang proyekto.