Walo arestado sa tupada

MANILA, Philippines — Sa halip na manok ay rehas na bakal na ngayon ang hinihimas ng walong katao matapos mahuli sa aktong pag­sasagawa ng tupada sa Sitio Yas-Yas, Brgy. Kaychanarianan, Basco, Batanes.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Wilson­ Eriful, Pablo Nipes, Claudio Atunay, William Bayaras, Aurelio Dela Fuente, Jerome Sala­magos, Martin Alcazar­, at Miguel Medina, nasa hustong gulang at pa­wang mga residente sa naturang lugar.

Nakarekober ang pulisya mula sa kanilang pangangalaga ng pitong tari, anim na panabong manok, (lima rito ay patay na, at isang buhay) at P980 na pusta.

Nakakulong na ang mga suspek sa Basco Police Station at kinasuhan ng Illegal Cockfighting.

Show comments