Mister pinasok sa bahay, pinatay

PIO DURAN, AlbaY, Philippines — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 54-anyos na mister ma­tapos pasukin at barilin ng dalawang hindi kila­lang gunmen sa loob ng kanyang bahay sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo­ sa kanyang leeg at agad nasawi ang biktimang si Adam Rebamba Pedrez, may asawa at residente ng Purok-1, Brgy. Cuyaoyao Pio Duran.

Hindi naman nakilala ang dalawang suspek na mabilis nakatakas ma­karaan ang pamamaril.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi habang nasa kanyang bahay ang biktima kasama ang ilang kamag-anak nang biglang dumating ang mga suspek.

Sa hindi malamang dahilan ay bumunot ng maigsing uri ng baril ang mga suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril nang malapitan ang biktima.

Nang tumakas ang gunmen ay mabilis na isinugod ng mga ka­anak ang biktima sa Pio Duran Memorial District Hospital pero hindi na umabot nang buhay.

Show comments