101-anyos lola sa Cavite tumanggap ng P100K cash

Masayang tinanggap ni Lola Undang ang isang plaque at cash incentive na nagkakahalaga ng P100,000 mula kay Committee Chair on Senior Citizens Councilor Jowie Carampot at lokal na pamahalaan bilang pagkilala sa pagiging centenarian nito sa Gen. Trias City.
Cristina Timbang

CAVITE , Philippines — Ginawaran kahapon ng cash incentive ng lokal na pamahalaan ang isang 101-anyos bilang pagkilala na sentenaryong lola sa General Trias City, kahapon.

Personal na tinanggap ng centenarian na si Segunda Aspuria Ordoñez ang P100,000 cash incentive mula kay Gen. Trias Mayor Jonjon Ferrer.

Ipinagdiwang ni Lola Segunda o mas kilalang “Lola Undang” ang kanyang ika-101 kaarawan noong Marso 29, 2021 at kahapon ng umaga, personal na iginawad ni Committee Chair on Senior Citizens Councilor Jowie Carampot ang symbolic cheque kay Lola Undang na nagkakahalaga ng P100,000 kasama ang Plaque of Recognition mula sa Gen. Trias LGU.

Si Lola Undang ang ika-13 centenarian sa Gen. Trias na nakatanggap ng parangal at cash incentive mula sa pamahalaang lokal.

Show comments