Babaeng pasahero ng trike, nirapido

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Reynaldo Reyes, chief of police sa bayang ito, nakasakay sa tricycle ang biktima kasama ang tatlo pang pasahero nang pagdating sa panulukan ng Don Crisanto St. at Dalandan St. ay hinarang sila ng isang motorsiklong lulan ng dalawang armadong suspek dakong alas-8:30 ng gabi.
STAR/ File

LUCENA CITY MANILA, Philippines —  Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang hindi pa nakikila­lang babae na pasahero ng isang tricycle matapos na pagbaba­rilin ng riding-in-tandem sa Barangay Market View ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Patuloy pang nanga­ngalap ng impormasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakaki­lanlan ng biktima na nakasuot ng green vest na palatandaan na collector ng STL.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Reynaldo Reyes, chief of police sa bayang ito, nakasakay sa tricycle ang biktima kasama ang tatlo pang pasahero nang pagdating sa panulukan ng Don Crisanto St. at Dalandan St. ay hinarang sila ng isang motorsiklong lulan ng dalawang armadong suspek dakong alas-8:30 ng gabi.

Agad na pinaputu­kan ng mga suspek ang biktima sa ulo habang tumakbo palayo sa lugar ang tatlo pang ibang sakay ng tricycle na hindi naman nasugatan.

Inaalam pa ang posibleng motibo ng pamamaril.

Show comments