^

Probinsiya

Illegal logs nasabat sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasabat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang 33 piraso ng mga pinutol na ilegal na troso sa isang operasyon na pinangunahan ng Provincial Anti-Illegal Logging Task Force (PAILTF) sa Sitio Balikiran, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Ayon sa composite team, agad na tumakas ang mga suspek sa lugar kung saan ang mga nakumpiskang troso ng red at lauan tree species na may sukat na 562.99 board na tinatayang nagkakahalaga ng P28,150 ay winasak sa mismong lugar.

Sa kabilang banda, natukoy ngayong taon ng CENRO-Baliwag ang 38 na indibiduwal na nasa ilalim ng imbestigasyon dahil sa pagkakasangkot bilang fonanciers ng illegal logging kung saan sila ay sasampahan ng mga kasong kriminal alinsunod sa Executive Order No. 23, “Declaring the Moratorium on the Cutting and Harvesting of Timber in the Natural and Residual Forests”, at Section 68 ng Presidential Decree 705 na naamyendahan ng Republic Act 7161 o ang Revised Forestry Code of the Philippines.

Sinabi naman ni Bulacan Gov. Daniel  Fernando na ipagpapatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan ang kampanya upang matigil ang illegal forestry activities sa lalawigan.

“Layunin natin na palakasin pa ang mga hakbang at istratehiya upang mapangalagaan at mapanatili pa natin ang mga kagubatan dito sa ating lalawigan. Sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga law enforcement agencies, gagawin natin ang mga nararapat na aksyon upang matigil na ang mga ilegal na aktibidad gaya ng timber poaching, illegal cutting, charcoal-making at iba pa na nakasisira sa ating likas na yaman,” anang gobernador.

Inilunsad ang forest protection work at ­operation sa pagtutulu­ngan ng BENRO, Angat Watershed Area Team of the National Power Corporation at 70th Infantry Battalion of the Philippine Army.

BENRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with