Tatay pinatay ang sariling anak

Kinilala ni Lt. Col. John Clark, chief of police ng San Fernando City, ang biktimang si Elmer Bautista Sembrano, 45, residente ng nasabing barangay. Habang agad namang naaresto ng mga rumes­pondeng pulis ang sus­pek na si Almario Bautista Sembrano.
STAR/File

PAMPANGA, Philippines —  Binaril at napatay ng isang 63-anyos ang kan­yang sariling anak sa harap ng isang tin­dahan sa Barangay Sto. Niño, San Fer­­nando City ng nasa­bing lalawigan, ka­ma­kalawa.

Kinilala ni Lt. Col. John Clark, chief of police ng San Fernando City, ang biktimang si Elmer Bautista Sembrano, 45, residente ng nasabing barangay. Habang agad namang naaresto ng mga rumes­pondeng pulis ang sus­pek na si Almario Bautista Sembrano.

Sa ulat, na nag-iinu­man ang suspek at dalawang kasama sa harap ng isang tindahan nang dumating ang biktima at sumali sa inuman.

Subalit, sa kalagitnaan ng inuman ay binunot ng suspek ang dalang baril at walang kadahilanan na binaril nito ang anak.

Agad na dinala ang biktima sa VL Makabali Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng sus­pek para patayin ang sariling anak.

Show comments