Bahay inararo ng van: 1 utas, 3 sugatan

Kinilala ang nasawi na si Saidina Esmael na residente ng Barangay Sapakan Rajah Buayan Maguindanao.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang construction worker at sugatan naman ang tatlong iba pa nang araruhin ng pampasaherong van ang mga bahay sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang nasawi na si Saidina Esmael na residente ng Barangay Sapakan Rajah Buayan Maguindanao.

Ayon kay Rajah Buayan Mayor Jack Ampa­tuan, na mabilis ang takbo ng van at nawalan ng control ang driver at inararo ang mga bahay sa gilid ng kalsada.

Patay si Esmael na nagpapahinga sa duyan sa gilid ng kalsada at tatlong mga pasahero ng van ang nasugatan.

Agad namang sumuko ang driver sa Rajah Buayan Municipal Police Station (MPS) at patuloy na iniimbestigahan.

Show comments