Obrero, nalaglag sa ika-6 palapag ng ginagawang gusali, patay

CAVITE, Philippines —  Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 20-anyos na obrero matapos na mahulog mula sa ika-6 palapag ng ginagawang gusali, kahapon ng umaga sa Brgy. Mambog 4, Bacoor City ng lalawigan.

Kinilala ang nasawi na si Melo Pantajon Cabaño, construction worker ng Extreme Ocean Corp. na nasa Molino Boulevard Bacoor.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10:00 ng umaga ay nasa ika-6 palapag ang biktima na nagsasagawa ng plastering sa pader ng gusali nang aksidenteng mawalan ito ng panimbang at tuluy-tuloy na bumulusok pa­­baba.

Pinagtulungang iti­nakbo ng mga ka­sama­ sa Bacoor Doctors Me­dical Center, subalit­ sa tindi ng pinsalang tinamo nito ay idineklara itong dead on arrival.

Sinigurado naman ng pamunuan ng Extreme Ocean Corp., na tutulungan nila ang pamilya ng biktima­ at sasagutin ang lahat­ ng gastusin na kinaka­ilangan.

Show comments