Obrero patay sa van ng senglot na driver

Patay agad sanhi ng tindi ng pinsalang tinamo ng biktima na nakilalang si Raymond Bolalin, 24-anyos, tubong Bula, Camarines Sur at stay-in construction worker sa Barrack sa Brgy. Palangue 2-3, Naic, Cavite.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Tumilapon nang halos may mahigit sa 10 dipa ang isang construction worker makaraang suyurin ng isang Hyundai van na minamaneho ng isang lasing habang naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada ka­makalawa ng hapon sa Naic-Indang Road, Brgy Pañaque 2-3, bayan ng Naic.

Patay agad sanhi ng tindi ng pinsalang tinamo ng biktima na nakilalang si Raymond Bolalin, 24-anyos, tubong Bula, Camarines Sur at stay-in construction worker sa Barrack sa Brgy. Palangue 2-3, Naic, Cavite.

Arestado naman ang nakabanggang lasing na driver na si Cris­pin Cuenco, 62-anyos, may asawa at residente ng Guyam Malaki, Indang, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Rodrigo Veloso III, ala-1:52 ng hapon habang naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada galing sa tindahan nang bigla siyang suyurin ng rumaragasang Red Hyundai van na may plakang XAZ-384 na minamaneho ni Cuenco.

Nabatid na sobrang bilis umano ng takbo ng van dahil sa kalasingan ng naturang driver.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na walang lisensya ang dri­ver nang maganap ang insidente.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Show comments