^

Probinsiya

P490K halaga ng taclobo nasabat sa Negros

Gilbert Bayoran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang umaabot sa P490,000 ang nasabat ng mga otoridad na 7,000 kilo ng fossilized giant clam shells o tac­lobo sa Sitio Ondol Pasil, Barangay Cayhagan, Si­palay City, Negros Oriental nitong Martes.

Ayon kay Maj. Don Archie Suspene, officer-in-charge ng 4th Special Operations Unit ng Philippine National Police Maritime Group na nakatanggap sila ng report mula sa isang concerned citizen ng mga taclobo na kinokolekta sa naturang barangay.

Agad nagpadala ng tauhan si Suspene at dito tumambad ang nasa pitong libong kilo ng tac­lobo na nagkakahalaga ng P490,000.

Dinala naman sa headquarters ng PNP Maritime Group ang mga hindi pinangalanang indi­biduwal para sa tamang dokumentasyon ng ka­ni­lang impormasyon.

Nilinaw ng PNP Ma­ri­time Group na mahigpit na ipinagbabawal sa bansa ang pagkolekta o pagbebenta ng giant clams dahil maituturing na umano itong endangered species.

TACLOBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with