P18.4 milyong marijuana nasabat sa Mt. Province

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa ma­­higit P18.4 milyong ha­laga ng marijuana ang nasabat ng mga otori­dad sa tatlong suspek sa Sitio Ampawilen, Pob­­lacion, Sadanga, Mt. Pro­vince.

Kinilala ang mga na­arestong suspek na  sina Jorge Tomaldong Eyawon, 34; Dario Di-wean Diway, 23; at Jake Caesar Bulosan Linchangan, 19, na kapwa residente ng Cudal, Tabuk City, Kalinga.

Narekober sa mga suspek ang 148 piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana bricks, 6 piraso ng tubular na naglalaman ng marijuana na tumitimbang ng halos mahigit kumulang 154,000 gramo na nagkakaha­laga ng P18,480,000.

Nakakulong na ang mga naarestong suspek­ sa Sadanga Police Station habang inihahanda ang kasong may kinala­­man­ sa droga.— Doris Franche

Show comments