Obrero nakuryente, nahulog todas

Tinangkang isugod ng kanyang mga kasama­ sa trabaho sa Bicol Regional Training and Teaching­ Hospital sa Legazpi City, pero idineklarang dead on arrival ang biktimang si Roger Asaytuno Marcelo, residente ng Sitio Pangyawan, Brgy. Taysan, Legazpi City.
STAR/ File

DARAGA, Albay, Philippines — Patay ang isang 41-an­yos na construction worker matapos aksidenteng nakuryente at nahulog sa scaffolding sa Brgy.Ilawod ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Tinangkang isugod ng kanyang mga kasama­ sa trabaho sa Bicol Regional Training and Teaching­ Hospital sa Legazpi City, pero idineklarang dead on arrival ang biktimang si Roger Asaytuno Marcelo, residente ng Sitio Pangyawan, Brgy. Taysan, Legazpi City.

Sa ulat, habang paunti-unting tinatanggal ng biktima ang scaffolding sa ginagawang gusali sa lugar nang aksidenteng nadikit ito sa kable ng kuryente dahilan para siya mangisay.

Matapos mawalan nang malay dahil sa lakas ng boltahe ay nahulog pa ang biktima mula sa taas ng scaffolding na sinaklolohan ng mga kapwa­ trabahador at isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay.

Show comments