RTC nabulabog sa bomb threat

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Naglabasan lahat ng tao mula sa Building 3 ng Bulacan Regional Trial Court at Office of the Clerk of Court matapos makatanggap ng bomb threat ang tatlong empleyado kahapon  ng umaga.

Ayon kay Atty. Jen Gregorio, una siyang nakatanggap ng text messege na may bomba sa branch 82 at Office of the Clerk of Court (OCC) at sinasabing may naglagay ng nasabing bomba.

Kabilang rin sa nakatanggap ng text sina Rochelle Panaligan, at Kristene Joy Santos na kapwa kawani ng OCC.

Agad nilagyan ng  police line ang paligid nang nasabing gusali at nagsagawa na ng searching ang K-9 dog ng Bulacan Bomb Squad ng PNP.

Matapos ang ilang sandali, walang natagpuang bomba sa nasabing gusali at idineklarang clear ang building at dakong alas-11:00 ng umaga ay pinapasok na muli ang mga empleyado sa kani-kanilang tanggapan.

Show comments