MANILA, Philippines — Kinastigo ng Commission on Human Rights (CHR) ang diumano'y 'di makatarungang parusa na ipinataw sa ilang bata sa probinsya ng Cavite, bagay na nagsimula raw dahil sa paglangoy ng mga nabanggit.
Sabi ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, Biyernes, nakatanggap sila ng balita tungkol sa isang video kung saan pinaglalakad nang walang saplot ang apat na menor de edad sa Trece Martires, Cavite dahil sa "paglangoy sa ilog."
"While the Commission understands the importance of discipline in child rearing, the alleged punishment meted out to the minors involved is cruel, degrading, and excessive," wika ng tagapagsalita ng komisyon kanina.
"Such form of punishment can be penalised by Republic Act No. 9745 or the Anti-Torture Act and Republic Act No. 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act."
Aniya, posibleng may "irreversible" at pangmatagalang epekto ang mga mararahas at nakahihiyang klase ng parusa sa mga wala pa sa hustong gulang lalo na't nasa antas pa sila ng crucial development.
Maaari naman daw magpataw ng naayon na intervention at paggabay ang mga batang nakagagawa ng maliliit na paglabag. Matapos nito, dapat din daw na isaoli ang mga nabanggit sa mga magulang.
"What they need is proper supervision and compassion, not cruelty that will harm their dignity and welfare," saad pa ni De Guia.
"We continuously remind local government officials and law enforcement officers to practice human rights based approach policing and to refrain from employing force that is disproportionate to the action/s of offending individuals."
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng independiyenteng imbestigasyon ang komisyon hinggil sa naturang insidente.
Parehong may katumbas na parusang kulong ang mga mapatutunayang lumalabag sa RA 9745 at RA 7610, bagay na kapwa may pinakamatataas na sintensyang maaaring umabot hanggang 40 taon (reclusion perpetua). — James Relativo