PNP Region 3, itinodo na ang giyera vs droga

MANILA, Philippines — Matapos itanghal bilang “Best Police Regional Office” ay lalo pang nagpakitang-gilas ang Philippine National Police (PNP) Region 3 makaraang makakum­piska ng mahigit sa P5 milyong marijuana sa Pampanga at pagkaaresto naman ng isang CAFGU sa Nueva Ecija na tulak ng droga. Ayon kay PRO 3 Chief Brig. Gen. Valeriano de Leon.

“Todo na itong giyera namin sa drugs at hindi kami titiigil hangga’t hindi nauubos ang droga dito sa Central Luzon,stop!!! or don’t do drug business in my AOR (area of responsibility) kasi kung hindi namin kayo mahuhuli ay baka mapatay namin kayo kapag nanlaban kayo,” babala ni Gen. De Leon.

Una nang natimbog ang tatlong kalalakihan na may dalang 44 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng P5 ­milyon sa Mabalacat, Pampanga  at makalipas ang ilang oras, a­restado naman ang isang CAFGU na na­kilalang si Jaypee Rosario at dalawang sibilyan na kasama nito sa isang buy bust o­peration ng Nueva Ecija PNP. Na­rekober sa mga suspek ang 1.9 gramo ng shabu at higit P9,000 cash.

“Sa mga drug syndicates I say, wag na ninyo kaming subukan dahil subok na kami,” hirit ni De Leon.

Show comments