Zambales Vice Gov tinamaan ng COVID-19
IBA, Zambales, Philippines — Inanunsiyo ni Zambales Vice Governor Jay Khonghun na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng kanyang RT PCR test kamakalawa.
Sa kanyang facebook post, sinabi ng bise gobernador na nakakaramdam siya ng sunud-sunod na pag-ubo, sipon, pabalik-balik na lagnat, pananakit ng katawan at lalamunan.
Ginawa naman umano ni Khonghun ang lahat ng pag-iingat, subalit tinamaan pa rin.
Tiniyak ni Khonghun na patuloy ang kanyang tanggapan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga taga-Zambales at Olongapo.
Muling nagpaalala si Khonghun sa publiko na sundin ang health protocols at magpabakuna sa lalong madaling panahon.
- Latest