MARILAO, Bulacan , Philippines — Arestado ang isang 48-anyos na lalaki matapos niyang gahasain ang 9-anyos na apo sa harap ng mga kapatid nito,kamakalawa.
Kinilala ang naarestong suspek na si Joel Tumlod, tubong Aroroy, Masbate, habang ang biktima ay itinagoo sa pangalang “Jill”, grade 3 pupil, kapwa residente ng Brgy. Lambakin.
Sa report ng Marilao police,nangyari ang insidente bandang alas-12:00 ng madaling araw kamakalawa sa loob ng bahay.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang magkakatabing nakaupo ang biktima kasama ang ilang nakakabatang kapatid ay nagpunta ang suspek sa kanilang palikuran para umihi.
Nang lumabas sa palikuran ay tinabihan ng suspek ang biktima hanggang sa puwersahang gahasain.
Dahil dito, nagpumiglas ang biktima hanggang sa makawala sa bisig ng suspek hanggang makatakas.
Nang dumating ang ina maghahating gabi ay nalaman nito ang nangyari kaya agad humingi ng tulong sa mga otoridad kaya nahuli ang suspek.
Nalaman pa sa imbestigasyon na ang biktima ay nakaranas ng pang-aabusong seksuwal sa suspek habang sila ay nasa Masbate.
Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong statutory rape.