Supermarket nilamon ng apoy

Ayon kay Antipolo City fire marshal Gilbert Valdez, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng Puregold Supermarket, na matatagpuan sa Circumferential Road, Brgy. San Jose, Antipolo City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang isang supermarket sa Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling araw, na nagresulta sa pagkaabo ng tinata­yang aabot sa mahigit sa P35 milyong halaga ng mga ari-arian at pa­ninda.

Ayon kay Antipolo City fire marshal Gilbert Valdez, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng Puregold Supermarket, na matatagpuan sa Circumferential Road, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Sa ikalawang palapag umano matatagpuan ang opisina ng pamilihan at walang tao sa loob ng mangyari ang sunog.

Mabilis aniyang ku­malat ang apoy sa ibang parte ng gusali hanggang umabot ito sa dis­play area kung saan nakalagay ang mga ibi­nebentang produkto.

Mabilis namang ru­mesponde ang mga pa­matay sunog na uma­bot pa ng ikaapat na alarma bago tuluyang naapula matapos ang ilang oras.

Show comments