HVT timbog sa P340K shabu

COTABATO CITY , Philippines — Kalaboso ang isang 31-anyos na high value target (HVT) matapos na maaresto sa inilunsad na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Isulan-Cotabato national highway na sakop ng Barangay Poblacion 2, Dalican sa Maguindanao nitong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Arsad Gunda Salik, may mga alyas na “Arsad Ketong Salik” at “Taktak” na residente ng Brgy. Tulunan, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.

Isang poseur buyer ang nakipagtransaksyon kay Salik at nang magkaabutan ng illegal na droga at buy-bust money ay dinakma ang una.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000, isang 1911 Colt caliber .45 pistol, mga bala, wallet at cellphone. 

Show comments