^

Probinsiya

BIFF commander, 10 pang tauhan sumuko

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Nasa 11 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) kasama na ang kanilang kumander ang nagbalik-loob sa pamahalaan matapos sumuko sa tropa ng 33rd Infantry Battalion ng Joint Task Force Central sa Barangay Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon kay Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., commanding officer ng 33IB, ang pagsuko ng mga dating rebelde ay bunga ng walang humpay na operasyon ng militar laban sa kanila at sa negosasyon na rin ng mga lokal na opisyal na pinangunahan nina Remmy Degay, punong barangay ng Kuloy at Chairman Mohamad Dawaling, ng Brgy. Tapikan, Shariff Aguak.

Kasabay na isinuko ng mga rebelde nitong Agosto 13, 2021 ang bitbit nilang mga matataas na uri ng armas at mga pampasabog.

Sinabi ni Col. Pedro C. Balisi Jr., commanding officer ng 1st Mechanized Brigade na pinoproseso na nila ang mga sumuko para mailista sa Agila-Haven Program ng pamahalaang lokal ng Maguindanao na nagbibigay ng pinansyal na tulong para makapagsimula sila ng bagong buhay. ­ Joy Cantos

BIFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with